'

Community Blog

OFW Story - An interview (for OFW Stories)

Mga Kababayan! Please send us your OFW stories or experiences ! Happy or sad, love or amusing, trials or triumphs! Padala na kapatid!

OFW Story - An interview (for OFW Stories) – name withheld upon request.

01. Anu-ano at bakit nag-decide mag-OFW ang ating mga kababayan?

  • • Economy ng bansa – Hindi maganda ang ekonomiya ng bansa kaya marami ang naghangad na magtrabaho sa ibang bansa.
  • • Availability of jobs – May kakulangan ang trabaho sa ating bansa at mababa pa ang suweldo kaya marami ang nagtulak na maghanap ng trabaho sa ibang bansa na kikita pa ng malaki at magbibigay ginhawa sa pamilya.
  • • Government / Politics / Corruption – wala akong nalalaman na koneksyon

02. Kung maunlad ang economy ng bansa at di naman gaanong malaki ang magiging salary differential sa ‘Pinas at sa labas, sa iyong pananaw ba ay marami paring mga kababayan natin na mas pipiliing maging isang OFW (including yourself)?

  • • Maging maunlad man ang ekonomiya ng bansa ay marami pa rin ang maghahangad na magtrabaho sa ibang bansa. Tulad noon na maayos naman ang ekonomiya ay maraming nangingibang bansa tulad sa Middle East, Amerika at Europe

03. Gaano ka katagal nagging isang OFW?

  • • Naging OFW ako ng mga dalawampung taon.

04. Anong kadalasang nagiging sakripisyo o suliranin ng isang OFW?

  • • Homesick? - Malaking sakripisyo ng bawat OFW ang pangungulila sa kanilang pamilya.
  • • Contract agreements? Maraming ring mga kababayan ang nakakaranas ng suliranin sa kontrata na hindi nasusunod.
  • • Working Conditions? - Marami rin sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng di maayos na working condition.
  • • Maltreatment o abuse ng employer na naranasan o ng ibang OFW lalo na sa kababaihang OFW? - Marami sa ating mga OFW na mga babae na mga Domestic Helpers ang dumanas ng pang-aabuso sa kanilang mga pinagsisilbihan.
  • • Other concerns

05. Ano ang mga benepisyo ng pagiging isang OFW sa iyo or sa pangkalahatang mga OFW (to OFWs in general)?

  • • Financial - Ang sahod sa ibang bansa ay malaki at natutuwa ang OFW kapg nakakapagpadala sila ng malaking halaga sa pamilya. Maraming nabibiling gamit para sa bahay, may maayos na pamumuhay ang pamilya at nakakapag-aral ang mga anak sa magandang paaralan.
  • • Travel – Nakakapaglakbay din ang mga OFW sa ibang bansa at sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas ay nakakapaglakbay sa lokal na destinasyon ng turismo.
  • • Work experience- malaking bagay na makapagtrabaho sa ibang bansa, nagkakaroon ng malawak na karanasan ang OFW sa kanilang linya ng kaalaman pang teknolohiya.
  • • Other benefits – Maraming benepisyo ang mga OFW, tulad ng scholarship sa mga anak, pangkalusugan at pangkabuhayan sa tulong ng OWWA.

06. Sa iyong opinion, sulit ba ang pagiging isang OFW kung i-compare sa sacrifices na iyong ginawa?

  • • Dollar versus Homesick/Family - Ang sweldo ng OFW ay mas malaki ng mga ilang ulit kesa sa local. Sa ibang mga OFW, ang sitwasyon ay siyang nagtutulak upang mangibang bansa tulad ng pangangailang ng pamilya. Ang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan, ang pag-aaral ng mga anak, ang pagkain para sa pamilya at mga pangkalusugan, Sa iba naman ay ang masidhing pangarap para makaipon ng malaki at makapagtayo ng negosyo at paunlarin ito sa kanyang pagsisikap. Sulit ang pagtrabaho sa ibang bayan para sa kabutihan at kaunlaran ng pamilya.
  • • Emotional health - Kapag malayo sa pamilya ay nakakaranas ng tindi ng lungkot. Kadalasan ay ay hindi makatulog at hindi makakain kaya marami ang gumagawa na kulang sa tulog at kulang sa kain.
  • • Family relationships – Maraming matagaumpay na mga pamilya sakabila ng pagkakalayo ng ibang miyembro dahil sa maayos nap ag-aasikaso ng kabiyak na naiwan upang mangalaga sa pamilya at maayos na pagtitiis ng OFW na malayo sa pamilya. Marami rin naman ang wasak na pamilya dahil natutukso ang ilang OFW at walang ibang nagiging maayos na ibang libangan.
  • • Time Separated with loved ones in general – In general, malungkot kasi malayo sa pamilya. Ang mga panahon na wala sa pamilya ay hindi na rin maibabalik pero maayos na pamumuhay naman ang dulot sa pamilya.

07. Sa iyong pagtingin, tama ba ang policy ng gobyerno na i-promote ang pagiging OFW ng karamihan sa ating mga kababayan sa halip na ayusin at itaguyod ang wastong pamamalakad ng bansa para paunlarin ang economy, putulin ang corruption, etc… para hinde na magkahiwalay ang mga pamilya at sa halip ay gamitin ang talino at lakas ng mga kababayan para sa kaunlaran ng pamilya at bayan?

  • • Para sa aking paningin, mas maganda sana na paunlarin na lang ang ekonomiya ng bansa kesa ipromote na paramihin ang OFW. Sa aking nakita noon, sa airport malungkot ang mga OFW sa departure ng paliparan at masaya naman sa arrival. Ang mga OFW ay nagsisipagtrabaho sa ibang bansa ngunit maraming oportunidad sa atin na dapat ay gawin ng OFW kesa sa malayo.

Maraming Salamat po!